KAPAMILYA PROGRAM “IT’S SHOWTIME”, TEMPORARYONG SINUSPINDE NG MTRCB


Naglabas ng desisyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na isuspinde ang ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” sa loob ng 12 airing days.

Sa ipinalabas na official statement ng MTRCB nitong Setyembre 4 ng hapon, sinabi nito na nakatanggap sila ng maraming reklamo tungkol sa mga nakaraang episode kung saan nagpapakita umano ang mga program host ng di umanong malaswang pag-uugali o “acted in an indecent manner” sa kanilang segment na “Isip Bata.”

Matandaan na una nang tinawag ng MTRCB sina Vice Ganda at kaniyang asawa na si Ion Perez dahil sa nag-viral na pagkain nila ng cake.

Idineretso ang naturang reklamo sa Hearing and Adjudication Committee ng MTRCB para bigyan ng wastong aksyon ang bayolasyon ng nasabing programa | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog