INFLATION SA WESTERN VISAYAS, BAHAGYANG TUMAAS MATAPOS ANG 5-BUWAN NA PAGBABA NITO

 


Tumaas sa 6.1 ang inflation rate ng Western Visayas, kung saan dito nagtatapos ang sunod-sunod na pagbaba ng inlation rate sa loob ng limang buwan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, medyo bumilis ang pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan ikumpara sa Hulyo 2023 inflation rate na 5.8%.

Makikita ang pagtaas ng inflation rate noong Agosto sa gitna ng pagtaas ng presyo sa pagkain, non-alcoholic beverages, pamasahe, at education services.

Lahat na anim na mga probinsya sa rehiyon ay nakapagtala ng pagtaas sa inflation rate nitong nakaraang buwan ngayong taon.

Pinakamataas dito ang Negros Occidental na may 7.6% habang ang pinakamababang inflation rate ay naitala sa Guimaras na nasa 4.1% lamang. | JOHN RONALD GUARIN

 

(via Daily Guardian)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog