Inaprubahan ni Comelec
Chairman George Garcia ang rekomendasyon ng Comelec Law Department na hindi
isama ang ilan sa mga programa at proyekto ng Department of Labor and
Employment (DOLE) sa election ban.
Kabilang sa mga programa ng
DOLE ay ang mga sumusunod:
- Special program para sa Employment of Students
na may 34,496 beneficiaries
- Government Internship Program na may 30,745
beneficiaries
- JobStart Philippines Program na may 647
beneficiaries
- DOLE Integrated Livelihood Program o KABUHAYAN Program na may 48,461 beneficiaries
- Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) na may 1,059,135 beneficiaries.
Kaugany nito, binanggit ni Labor
Secretary Bienvenido Laguesma na kinakailangang ipagpatuloy ang implementasyon
ng programa kahit na sa panahon ng election ban dahil ang mga ito ay matagal
nang itinatag at nagpapatuloy sa kalikasan. |JURRY LIE VICENTE

0 Comments