DICT KAILANGAN NG ₱300M CONFIDENTIAL FUNDS LABAN SA SCAMMERS

 


Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na kailangan nito ng ₱300 million confidential funds para masugpo ang scammers.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, nakatali ang mga kamay nila sakaling pumalya ang ahensya na makuha ang budget upang wakasan ang operasyon ng cyber criminals.

Inihayag din ng opisyal na gumagawa ang mga scammers ng mga pamamaraan upang hindi mahuli ng mga awtoridad.

Matandaan na noong 2022, naranasan ng mga Pilipino ang pagdami ng fraudulent text messages, dahilan upang ipatupad ng gobyerno ang SIM registration law. |JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog