Kinumpirma ni PSSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang ikalawang indibidwal na nahuli matapos na lumabag sa umiiral na gun ban ng COMELEC.
Sa programang Bandera Talk Show, kinilala nito ang naturang violator kay Jason Dalida, 43-anyos at isang prison guard sa Aklan Rehabilitation Center sa Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan.
Batay sa inisyal na ulat, nakatanggap ng report ang Makato Municipal Police Station na may nagpaputok ng baril sa Brgy. Baybay, Makato, Aklan, na agad naman nirespondihan ng mga kapulisan.
Matapos naman itong makumpirma ng mga otoridad, nakuha sa posisyon ng hinihinalang nakainom na si Dalida ang kalibre 38 na baril na loaded ng 4 na bala.
Sa ngayon ay hawak na ng Makato PNP ang naturang indibidwal para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, ipinaabot naman ni Vega ang kanilang
pagka-lungkot dahil bagama’t maituturing aniyang accomplishment ito sa kanilang
hanay ay umaasa pa rin sila na mananatiling payapa ang probinsya lalo na sa
ipinapatupad na kautusan kaugnay sa nalalapit na BSKE. |TERESA IGUID

0 Comments