Patay ang isang babae matapos mahulog sa 30 talampakang bakod ng US-Mexico border sa Otay Mesa Port of Entry, San Diego.
Sa ulat ng mga otoridad, natagpuang walang buhay ang babae noong Setyembre 15, Biyernes, mga bandang alas-2:30 ng hapon.
Sa pahayag naman ng Mexican Consulate ng San
Diego, pumalo sa 162% ang kaso ng pagkahulog sa San Diego-Tijuana border sa
loob ng tatlong taon, lalo na sa panahon ng pagpatayo ng 30 talampakang bakod sa
administrasyong Trump. | JOHN RONALD GUARIN
| via New York Post |
0 Comments