Kabuuang P2.34 million na halaga na ipinamahagi ng Department
of Social Welfare and Development (DSWD) 6 para sa mga Micro rice retailers
bilang subsidy, sa ikalawang araw ng kanilang payout.
Ayon sa DSWD-6, naipamahagi ang nasabing halaga sa 156 na mga qualified recipients na may P15,000 sa bawat isa, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program-Economic Relief Subsidy (SLP-ERS).
Kaugnay dito, napag-alaman din na 29 sa mga benepisyaryo ay mula sa Aklan; 17 sa Antique; 29 sa Capiz; 37 sa Negros Occidental; 14 sa Iloilo; at 30 sa Guimaras, na tinukoy mismo ng Department of Trade and Industry (DTI).
Samantala, ang naturang programa ay inisyatibo ng gobyerno na layong matulungan ang mga maliliit na rice retailers kaugnay sa ipinapatupad na price cap sa bigas sa buong bansa.
Via| DSWD 6
|TERESA IGUID

0 Comments