Sinimulan
na ng Department of Agriculture (DA) ang monitoring sa paggalaw ng presyo ng
mga produktong pang-agrilkultura sa mga pamilihan.
Ito ay
sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto sa panahon ng Christmas
season.
Sa
isang pahayag, sinabi ni Bureau of Plant Industry director Glenn Panganiban na
nakipag-ugnayan ang agribusiness and marketing assistance service (AMAS) ng DA
sa Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local
Government upang tiyaking namomonitor ang mga pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin sa panahon ng 'Ber months.
Samantala,
tiniyak naman ng DA official na gumagawa sila ng hakbang para mapataas ang produksyon
ng pagkain hindi lamang sa palay gayundin ang iba pang high value crops. |JURRY
LIE VICENTE
0 Comments