DOLE, NANAWAGAN SA MGA EMPLOYER NA DAGDAGAN ANG PAID LEAVES NG MGA EMPLEYADO



Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na dagdagan ang paid leaves at flexible work arrangement options ng kanilang empleyado para matiyak ang mental well-being ng mga ito.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, maaaring ibigay ang dagdag na paid leave benefits sa mga empleyadong nangangailangan ng medical attention maliban sa kanilang leave benefits sa ilalim ng polisiya ng kompanya, collective bargaining at Labor code.

Aniya, dapat tiyakin ng employer na mabigyan ang kanilang mga empleyado ng epektibong mental at self-care services.

Gayunpaman, hinikayat ng kalihim ang mga employer na ikonsidera ang flexible work arrangements at rescheduling ng oras ng trabaho tulad ng telecommuting at iba pang mga benepisyo. |JURRY LIE VICENTE

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog