Inihayag
ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., na nagtakda ang National Food Authority (NFA)
Council ng bagong price range sa pagbili ng palay bilang tugon sa pabago-bagong
production at market conditions.
Sa
isang pahayag, sinabi ng Pangulo na ang bagong buying price ng dry palay ay ₱23
mula ₱19 at ₱19 naman para sa wet palay mula sa nakaraang ₱16.
Layunin
aniya nitong paghusayin ang kita ng mga magsasaka at tiyakin ang sapat na
suplay nito.
Gayunpaman,
inihayag ng Department of Agriculture (DA) na susuportahan nito ang panukala ng
NFA ngunit sa lebel na ₱23 kada kilo habang sinabi rin ng ahensya na sang-ayon
ang mga magsasaka sa ₱22 o ₱23. |JURRY LIE VICENTE
0 Comments