Tumama sa isla ng Balut sa Davao Occidental ang magnitude
6.6 na lindol kaninang 9:39 ng umaga.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng 122 kilometrong lalim ang lindol na
yumanig sa Balut Island, Sarangani.
Ani pa ng ahensya, aasahan sa lugar ang posibleng aftershocks.
Habang, siniguro naman nitong wala namang banta ng tsunami
sa bansa dulot ng naturang lindol. |SAM ZAULDA
0 Comments