KATHRYN BERNARDO, NAKATANGGAP NG TROPEO BILANG OUTSTANDING ASIAN STAR AWARD SA KOREA

Screenshot from Seoul International Drama Awards 2023's YouTube channel


Kinilala sa Seoul International Drama Awards ang aktres na si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star nitong Setyembre 21 sa Seoul, South Korea.

Sa ibinahaging speech ng aktres, ikinatuwa nito ang pagkabilang sa mga nominadong Asian star at ang paggawad sa kanya ng naturang parangal.

Nagpasalamat din si Kathryn sa kanyang mga co-actors at sa mga taong nasa likod ng Filipino drama series na “2 Good 2 Be True” na naging daan para kilalanin sa nasabing award.

Pahayag pa ng aktres, sobra itong natuwa sa storyline ng naturang drama series dahil natutulungan nitong mabigyang kaalaman ang publiko ukol sa Alzheimer’s disease.

Umaasa din ito na magtuloy-tuloy ang paggawa ng mga world-class na proyekto hindi lang para sa mga Pilipino kundi para rin sa buong mundo.

Sa huli, ipinagmamalaki ng aktres ang natatanging talento ng mga Pilipino sa nabanggit na awards ceremony. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog