GAD FOCAL POINT SYSTEM NG KALIBO, NAGHAHANDA NA PARA SA 1ST BAGONG KALIBO SEARCH FOR BEST VAW DESK



Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang 1st Bagong Kalibo Search for Best Barangay Violence Against Women (VAW) Desk noong Setyembre 5, 2023.

Dahil dito, patuloy ang paghahanda ng mga miyembro nito upang gabayan ang 16 na mga kabaranggayan sa Kalibo na lalahok lalo na ang kanilang mga Barangay VAW Desk Officers.

Kabilang sa mga tungkulin ng GAD Focal Point System ay ang pagsagawa ng orientation kaugnay sa aktibidad, pakikipagpulong sa mga Barangay VAW Desks, pagsumite ng Endorsement Form, Entry Form at Assessment Sheet sa KPOPGDD.

Magsasagawa rin ng orientation sa Inter-Agency Monitoring Task Force Evaluation and Assessment Team, Table Assessment/Desk Review, Onsite Assessment and Evaluation kung saan ang mananalo ay ipakilala sa Nobyembre 3, 2023.

Ang mga mananalo sa kada Level of Functionality ay makakatanggap ng mga sumusnod: Ideal - P30,000 and Plaque of Recognition, Mature - P20,000 and Plaque of Recognition, Progressive - P10, 000 and Plaque Recognition at Basic - P5,000 Consolation Cash Award and Certificate of Participation. | JURRY LIE VICENTE

 

(via Doniel B Aguirre)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog