Nasungkit ng mga kababaihang atleta ng Aklan State
University ang gold medal sa ginanap na Regional State Colleges and
Universities Athletic Association (SCUAA) nitong Setyembre 13 sa Bacolod City,
Negros Occidental, Ayala Malls, Capitol Central.
Natalo ng ASU women ang Capiz State University sa
championship ng larong table tennis.
Samantala, kinilala ang mga estudyanteng ASU na sina Allyson
Romano, Sophia Grace Diaz, Riza Rembulat, Bien Kyla Ingles at Sophia Portia
Navarra kasama ang kanilang coach na si Monica Augustine R. Rentino.

0 Comments