Aabot sa ₱11 bilyong investment ang ipinangako ng Singapore-based multinational technology company na Dyson sa Pilipinas para sa susunod na dalawang taon.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) kung saan masaya umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marinig ang interes ng Dyson Limited sa pamumuhunan sa Pilipinas.
Dahil dito, inaasahan naman na makakapagbigay ito ng trabaho sa nasa 1,250 empleyado, at makakapagsulong ng mas maraming contract manufacturing sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 2024.
Samantala inihayag naman ni Marcos ang kagalakan sa naturang
investment na makapagbibigay aniya ng trabaho sa mas maraming software
engineers at iba pang engineering graduates. | TERESA IGUID
0 Comments