COMMUNITY ATI LEADER SA BORACAY, NANINDIGAN NA LEGAL ANG IBINIGAY NA CLOA NI PRES. DUTERTE



Nanindigan ang isang lider ng Ati Community sa isla ng Boracay na legal na ibinigay sa kanila ni dating Pres. Rodrigo Duterte ang Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) o isang dokumentong nagsasaad ng pagmamay-ari ng lupang ipinagkaloob sa benepisyaryo ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ito ang inihayag ni Maria Tamboon, lider ng Ati Community sa Boracay sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, hindi na dapat i-kansela ang CLOA na iginawad sa kanila ni Pres. Duterte at hindi rin maganda na sila ang nagbigay at sila rin ang babawi nito.

Matatandaan na wala pang sampung taon nang payagan ng DAR Region 6 ang pag-apply ng cancellation sa nasabing CLOA.

Dagdag pa ni Tamboon, nakipag-ugnayan na sila sa opisina ng DAR sa Central office ngunit wala rin aniyang pag-asa na matulungan ang mga ito sa halip nirekomenda pa sa kanila na maghanap ng karagdagang ebidensya para dito.

Napag-alaman na nasa 44 na mga pamilya sa isla ng Boracay ang nabigyan ng CLOA habang nasa 3.1 ektaryang lupa ang gustong bawiin ng gobyerno. 

Kaugnay nito, hiniling ni Tamboon na marinig sana ni Pres. Duterte ang kanilang hinaing at matulungan sila sa nasabing suliranin. |JURRY LIE VICENTE

 

 


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog