₱1.3-M, INILAAN NG LGU MAKATO PARA SA 47 CCTV CAMERAS



Nasa ₱1.3 million ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Makato para sa 47 high definition at night vision na CCTV cameras sa nasabing bayan.

Ito ang inihayag ni Ralph Maypa, Public Information Officer (PIO) ng LGU Makato.

Aniya, ito ay makatulong sa monitoring ng traffic management lalo na sa panahon ng disaster at insidente gayundin sa imbestigasyon ng law enforcement agencies.

Ito aniya ay naka-install sa strategic areas at major roads ng Makato sapagkat kinokonsidera ni Makato Mayor Ramon Anselmo Martin Legaspi III na daanan ng mga turista at negosyante ang kanilang lugar.

Dahil dito, palagi aniyang abala ang national highway at diversion road kung kaya’t para rin ito sa kaligtasan ng publiko.

Dagdag pa nito, magagamit din ito sa panahon ng Sto. Niño upang makatulong sa crowd control at crowd management.

Samantala, inaasahan pang magkaroon ng karagdagang mga CCTV cameras ang iba pang interior streets sa nasabing bayan kasama na rito ang Makato Public Market.

| JURRY LIE VICENTE

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog