DALAWANG PRIVATE SECURITY GUARD ARESTADO NG MALAY PNP MATAPOS NA LUMABAG SA COMELEC GUN BAN

  


Arestado ang dalawang private security guard sa Tabon Port matapos na lumabag sa umiiral na gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Sa ulat ng Malay PNP kinilala ang mga naaresto na sina Renzo Guanzon, residente ng Ibajay at Jiffy Perez, residente ng Poblacion, Malay, Aklan at parehong nagtatrabaho sa ilalim ng Davao Security Investigation Agency, INC. 

Ang pagkaaresto sa dalawa ay makaraan na mabigo ang mga ito na magpakita ng Certificate of Authority mula sa COMELEC matapos makitang naglalakad sa Tabon Port na armado ng mga baril matapos mag-escort ng pera mula sa isang bangko sa Isla ng Boracay. 

Dala ng dalawa ang shotgun, cal. 12 ga, rock island, serial no. and fa's no. ria1984338 loaded with 4 live 12ga ammunition valid until feb. 7, 2025 at pistol, caliber 9mm, rock island, model m1911 a1 gi std fs with five (5) 9mm live ammunition, fa's id and serial no. ria2072063 valid until  feb. 14, 2033 gayundin ang shotgun, armscor, model m30 bg, cal. 12ga, serial no.  1558171, fas id no. fa-15010-0 loaded with three (3) live 12 na ammunition , valid until Feb. 16, 2033. 

Dahil dito inaresto agad na inaresto ang dalawa at dinala sa Malay MPS para sa kaukulang disposisyon. 

Mababatid na ipinagbabawal ng COMELEC ang pagdadala ng mga baril, pampasabog at iba pang maituturing na deadly weapons sa panahon ng halalan mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29 maliban kung may aprubadong Certificate of Authority mula sa mga ito. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog