Lumalabas kasi sa pag-aaral ng Grab Ads, na may 2,000 respondents sa Pilipinas, na Thailand ang top travel destination para sa mga biyaherong Pinoy.
Sumusunod din dito ang Singapore, Malaysia, at Vietnam.
Sa labas naman ng ASEAN region, kabilang ang Japan sa top travel destination ng mga Pinoy.
Ayon kay Grab Ads marketing head Jennie Johnson, ang mga Pilipino ang pinakamaselan sa kanilang budget lalo na sa travelling sa buong Southeast Asia, at mga Pinoy din aniya ang pinakamaayos na magplano ng kanilang bakasyon dahil pinaghahandaan nila aniya ito sa loob ng 1 hanggang 3 buwan bago ang mismong pagbabakasyon.
Dagdag pa ni
Johnson, mahilig ang mga Pinoy sa international travel kaya nagkakaroon sila ng
‘revenge travel’ bilang pambawi ng epekto ng dumaan na pandemya noong 2020 hanggang
2022. | JOHN
RONALD GUARIN
(via ABS-CBN)
0 Comments