DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO POSIBLE SA SUSUNOD NA LINGGO


 

Inaasahang magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes, Setyembre 8.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa MOPS (Mean of Platts Singapore) four-day trading, posible na walang adjustment o minimal increase lamang para sa presyo ng gasolina at kerosene. 

Habang ang diesel naman ay inaasahang taas mula P0.10 hanggang P0.20 per liter. 

Matatandaan na nitong Martes lamang ay nadagdagan ng P0.50 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel ng P1.20 at kerosene ng P1.10 na nagdala sa year-to-date net increase na P15.30 kada litro sa gasolina, P10.70 sa kada litro ng diesel at P7.74 sa kada litro ng kerosene. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog