39 NA KABAHAYAN NASUNOG SA BACOLOD CITY; 52 NA MGA PAMILYA, APEKTADO

 


Umabot sa 39 na mga bahay ang totally damaged sa naganap na sunog sa Barangay 7, Bacolod, City nitong Setyembre 9 ng gabi.

Sa datos ng Bacolod City Government, nasa 151 na mga indibidwal ang naapektuhan ng sunog na nagtagal ng mahigit isang oras.

Bilang tulong, nagbigay ang Bacolod City DRRMO ng 100 folding beds, 55 sleeping kits, 55 hygiene kits, 20 modular tents, at 55 food packs.

Agad na inilikas ang mga apektadong pamilya sa Villamonte Gym habang patuloy ang imbestigasyon kung saan at ano pinagmulan ng sunog sa lungsod. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog