LALAKING NAGLA-LIVE SA KANIYANG SOCIAL MEDIA ACCOUNT, BINARIL ANG SARILI SA BAYAN NG SAN RAFAEL, ILOILO


Patay na nang makita si Gonzales Lozada, 36 taong gulang, na may sugat sa kaniyang dibdib dahil sa pagbaril sa Barangay Poblacion, San Rafael, Iloilo, kaninang 9:35 ng umaga, Setyembre 20.

Napag-alamang residente si Lozada ng Barangay Jayubo, Lambunao, Iloilo.

Sa naging pahayag ni PCPL. Roel Alarcos ng San Rafael Municipal Police Station sa Radyo Bandera Iloilo, inihayag na nag-live si Lozada sa kaniyang social media nang binarily niya ang kaniyang sarili na nakita mismo sa naturang livestream.

Dagdag pa rito, narekober sa lugar ang homemade single shot 12 gauge handgun.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng San Rafael MPS kung ano ang dahil sa pagkamatay ng biktima. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog