Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na inaasahang ilalabas ang one-time fuel assistance na naglalayong tumulong sa public transport drivers at operators sa gitna ng taas-presyo sa produktong petrolyo, ngayong linggo.
Ayon kay Budget Secretary
Amenah Pangandaman, naisumite na ng Department of Transportation (DOTr) ang
joint memorandum circular (JMC) para sa bagong round ng fuel subsidies para sa
public utility vehicles (PUVs).
Matatandaang inihayag ng DBM
na ipamamahagi lamang ang fuel subsidies kapag naisumite na ang bagong JMC na
naglalaman ng alituntinin para sa programa.
Samantala, sinabi ni
Pangandaman na mayroon pang mga dokumentong hinihintay na maisumite ng DOTr
ngunit tiniyak na nito ang pondo para sa fuel subsidy program ngayong linggo. | JURRY LIE VICENTE
0 Comments