58-ANYOS NA BETERANONG NAVY, IKALAWANG PASYENTE NA SUMAILALIM SA PIG HEART TRANSPLANT


 

Naging matagumpay ang isinagawang pig heart transplant sa isang 58-anyos na lalaki sa Maryland.

Kung saan, ito na ang ikalawang pagkakataon sa buong mundo na magsagawa ng pig heart transplant sa Unibersidad ng Maryland School of Medicine.

Si Lawrence Faucette, isang beteranong navy ang ikalawang pasyente na nakatanggap ng pig heart transplant dahil sa hindi na ito maaari sa isang tradisyunal na heart transplant.

Bagama’t alam ni Faucette ang naging kinahinanatnan ng naunang pasyente na sumailalim sa pig heart transplant ay tinuloy niya pa rin ito dahil ito lang ang kaniyang pag-asa na madugtungan ang kaniyang buhay.

Ayon sa mga doktor ng University of Maryland Medicine, tinatawag na “xenotransplantation” ang naturang paraan ng pag-transplant ng isang organ mula sa hayop sa tao, na isa sa maaaring solusyon sa kakulangan ng human organ donations.

Isang napakalaking hamon para sa mga doktor at pasyente ang xenotransplants dahil inaatake ng immune system ng pasyente ang isang organ n amula sa hayop.

Samantala, tinatayang namang nasa mahigit 100,000 Amerikano ang kasalukuyang nasa waiting lists para sa nasabing organ transplants. |SAM ZAULDA

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog