BIYAHE NGA MGA BANGKA PAPUNTANG ROMBLON NANATILING KANSELADO


Hindi pa rin nagbabalik operasyon ang mga biyahe ng motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port papuntang Hambil Port, San Jose at Sta. Fe Port, Sta. Fe Romblon.

Ito ay dahil sa umiiral na gale warning na epekto ng bagyong #HannaPH na papalabas na nang Philippine Area of Responsibility base sa inilabas na sea travel advisory ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kaugnay nito nilimitahan din ang mga sea sports activities sa isla ng Boracay na inilipat sa Bulabog Beach para sa kaligtasan ng mga turista.

Mababatid na nasa isang linggo nang kanselado ang biyahe ng mga sasakyang pandagat papuntang Romblon dahil sa masamang panahon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog