1.18 MILYONG PINOY, NAG-FILE NG COC SA BSKE 2023


Umabot na sa 1.18 milyon ang numero ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa ulat ng Commission on Elections, nasa 724,005 katao na ang nagsumite ng kanilang certificates of candidacy (COC) para sa mga posisyon sa barangay, habang 457,399 sa Sangguniang Kabataan.

Ang BSKE election ay itinakda sa Oct.30.

Samantala, inihayag ng Comelec na pupunan ng mga mananalong kandidato ang 672,016 bakanteng puwesto sa 82 probinsya sa bansa. | JURRY LIE VICENTE


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog