92.8% NG 2023 NATIONAL BUDGET, INILABAS NA NG DBM


Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit 90% ng ₱5.268-trillion national budget para sa 2023.

Batay sa Status of Allotment Releases noong Hulyo 31, 2023, nakapaglabas na ang ahensya ng ₱4.891 trilyon.

Ito ay katumbas ng 92.8% ng ₱5.268-trillion budget sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Nasa ₱3.046 trilyon ang inilabas sa mga ahensya ng gobyerno para sa kanilang priority projects, activities at mga programa na pasok sa eight-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos.

Matandaan na iminandato ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga ahensya ng pamahalaan na magpasa ng kani-kanilang catch-up spending plans lalo na sa nakikitang underspending sa unang bahagi ng 2023.

| JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog