BILANG NG MGA MAG-AARAL NA NAKAPAG-ENROLL NGAYONG SY 2023-2024, PUMALO NA SA 26.34 MILLION

 


Umabot na sa 26,347,073 ang numero ng mga estudyante na nagparehistro para sa School Year 2023-2024.

Batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System (LIS), pinakamarami ang naitala sa Region IV-A na umabot sa 3,887,686, pumangalawa ang Region III (2,882,614) at NCR (2,716,837).

Habang ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala ng 288,012.

Samantala, nagsimula na ring magpulong ang parent teachers association ng bawat paaralan kung saan tinalakay ang ilang problema at solusyon sa mga paaralan tulad ng school supplies, kakulangan ng classrooms at bilang ng mga guro.|  JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog