PAG-BAN SA UNIFORMED PERSONNEL SA TIKTOK, PINAG-AARALAN


Pinag-aaralan ngayon ng National Security Council (NSC) ang posibilidad na ipagbawal sa social media platform na tiktok ang lahat na uniformed personnel upang maiwasan ang ‘data leak’.

Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, ang nasabing usapin ay ipinaabot kay NSC Adviser Eduardo Año upang malaman kung ito ay may limitasyon sa freedom of expression at freedom of speech sa bansa.

Dagdag pa ni Malaya, kailangan pag-aralan ng mabuti ang pag-ban lalo na kung batayan ang national security consideration.

Matandaan na may ilang bansa tulad ng United States, India at Canada ang nag-anunsyo na i-ban ang Tiktok na pagmamay-ari ng Chinese company, sa lahat na government phones at state workers. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog