91 MGA KANDIDATO PARA SA BSKE 2023, BINIGYAN NG SHOW-CAUSE ORDER NG COMELEC



Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 91 na kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang nabigyan ng show cause order dahil sa umano’y mga paglabag sa halalan.

Sa isang pahayag sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na binigyan ang mga kandidato ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng show cause order para ipaliwanag ang kanilang panig hinggil sa mga akusasyon.

Dagdag pa ni Garcia, ang Comelec ay may kapangyarihan na mag-imbestiga at maghain ng sariling reklamo laban sa kandidato na lumabag.

Matandaan na nauna nang hinikayat ni Garcia ang mga botante na magsampa ng mga reklamo laban sa mga kandidato ng BSKE na mangampanya bago pa man magsimula ang opisyal na panahon ng kampanya. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog