TERMINAL SA BATANGAS HINAGISAN NG GRANADA


Nagtamo ng minor damage ang siyam na bus matapos hagisan ng granada ang Magnificat Transport Terminal ng hindi nakikilalang salarin kaninang madaling araw sa Barangay Bugaan East, Laurel, Batangas.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas 3:50 ng madaling araw nang bigla umanong makarinig ng malakas na pagsabog ang guwardya na si Albert Serrano mula sa loob ng Magnificat Transport Terminal.

Kaagad naman nitong pinuntahan ang pinagmulan ng pagsabog at nakita umano nito na basag na ang mga salamin ng mga nakaparadang bus sa lugar.

Napag-alaman na nagtamo ng minor damage ang siyam na mga bus habang wala namang naiulat na nasawi o sugatan sa naganap na pagsabog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Laurel Police Station upang matukoy ang responsable sa paghagis ng granada. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog