ATASHA MUHLACH, BAGONG MIYEMBRO NG DABARKADS


 

Kabilang na sa magiging bagong host ng “E.A.T” si Atasha Muhlach matapos itong ipakilala nina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey De Leon sa Setyembre 23-episode ng naturang noontime show.

Pinakilala ng TVJ host si Atasha bilang fashionista, studious, performer, artist at family-oriented.

Nagpasalamat naman ang young celebrity sa pag-welcome sa kanya ng mga Dabarkads bilang bagong miyembro ng show.

Si Atasha ay isa sa mga kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na nagtapos ng kaniyang kolehiyo sa United Kingdom nitong Hulyo 2023.

Sa kaparehong buwan ay pinasok ng young celebrity ang industriya ng showbiz nang pormal itong pumirma sa isang kontrata sa Viva Artists Agency.

Samantala, gaganap si Atasha bilang anak nina Papa Ethan at Mama Josie, kapatid ni Elen at apo ni Lola Belen – mga AI karakter ng nasabing noontime show na “E.A.T”. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog