PAGSISIMULA NG HARVEST SEASON, HUDYAT SA MAS MABABANG PRESYO NG BIGAS


Magsisilbing hudyat sa pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan ang pagsisimula ng anihan ngayong linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Groceries and Supermarkets Association (PAGASA) na ang pinakabagong suplay ng bigas ay magpapababa sa presyo nito sa mga pamilihan.

Hinikayat din ng retail sector leader ang mga otoridad na ipagpatuloy ang pag-inspeksyon sa mga bodega ng bigas na pinapalala ng hoarding ang kakulangan sa suplay ng bigas at presyo nito.

Samantala, inihayag din nito na ang government-imposed price ceiling ang dahilan kung bakit makabibili pa ng bigas sa presyong mas mababa sa ₱50 kada kilo. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog