$4 NGA PAINTING, IBINENTA SA AUCTION NG $250,000


 

Ibinenta sa isang auctiona ang painting na nabili ng isang babae sa halagang $4 mula sa isang tindahang nagbebenta ng mga second hand na mga kagamitan noong 2017.

Lingid sa kaalaman nito na isa pa lang orihinal na painting ng isang kilalang artist na si N.C. Wyeth ang kaniyang nabili at ibinebenta sa halagang $250,000.

Napag-alamang, naghahanap lang umano ng isang frame ang nasabing babae sa thrift store sa Manchester, New Hampshire nang makita nito ang isang magandang painting at nabili nito sa halagang $4.

Umabot naman ng ilang taon ang painting na nakakabit sa kanilang bahay bilang dekorasyon nang maisipan nitong kuhaan ito ng litrato at i-post sa social media.

Dito na niya natuklasan na isa palang orihinal na obra ng isang sikat na artist ang painting na nabili.

Ayon sa Bonchams Skinners Auction House, ang nasabing painting ay nasa auction na para ibenta sa halagang $250,000. |SAM ZAULDA

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog