Nangunguna ngayon sa 2024 General Appropriations Bill ang pagsasakatuparan sa tatlong legacy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pagkatapos itong patuloy na isinusulong ni House Committee on
Appropriations head at Ako Bicol Rep Elizaldy Co.
Ang tatlong legacies ni Marcos ay ang pagkakaroon ng Legacy specialty hospitals tugon para pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino; ang Legacy housing para sa pinakamahihirap na mamamayan; at legacy para sa Food self-sufficiency para wakasan ng pamahalaan ang dinaranas na kakapusan sa pagkain.
Dahil dito, maglalaan umano ang Kongreso ng mas malaking
pondo para sa irigasyon at agrikultura upang maging daan ito na maging
self-sufficient at walang magugutom na Pinoy sa bansa.| VILROSE CUAL
0 Comments