4 SA 10 PINOY, HINDI KUNTENTO SA SENIOR HIGH SCHOOL

Lumalabas sa resulta ng Pulse Asia Survey na apat sa sampung Pilipino ang hindi kuntento sa implementasyon ng Senior High School (SHS) sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Win Gatchalian na nangangahulugan lamang ito na hindi naging matagumpay ang layunin ng Senior High School Program na gawing “college-ready” at “work-ready” ang mga estudyante.

Aniya, sa halip makatulong ang dagdag na dalawang taon ay naging pabigat pa ito sa mga magulang dahil sa gastos na dulot nito.

Kaugnay nito, isinusulong ni Gatchalian ang pagsasabatas ng Batang Magaling Act o Senate Bill No. 2022 upang masolusyunan ang mismatch sa kasanayan at pangangailangan sa labor market. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog