WOMEN’S NATIONAL FOOTBALL TEAM NA FILIPINAS, NAKABALIK NA SA BANSA

 


WOMEN’S NATIONAL FOOTBALL TEAM NA FILIPINAS, NAKABALIK NA SA BANSA


Dumating na sa bansa ang Philippine Women’s National Football Team kaninang hapon matapos ang makasaysayang laro sa FIFA Women's World Cup 2023 sa New Zealand.

Bagama’t nabigo ang team Filipinas na makaabante nang matalo kontra sa kupunan ng Norway, gumawa naman ito ng kasaysayan nang manalo laban sa team ng New Zealand.

Magugunitang naging maingay ang mga Pinoy football fans sa buong mundo dahil sa ipinakitang performance ng team.

Bumuhos ang suporta sa kanila maging sa mismong venue ng World Cup na dinayo pa ng mga Pinoy mula sa ibang lugar.

Sunod namang paghahandaan ng kupunan ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China na magsisimula sa September 23 hanggang October 8 ngayong taon. |RIO TRAYCO

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog