SOUTHWEST MONSOON, UULANIN ANG LUZON AT VISAYAS

 


WEATHER UPDATE| Patuloy na iiral ang Southwest Monsoon na makakaapekto sa Luzon at Visayas, ngayong araw.

Ayon sa PAGASA ang buong Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.

Habang ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat. 

Samantala katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.|TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog