PAG-PAPAUNLAD SA AGRIKULTURA AT TRANSPORTASYON, PANGUNAHING TARGET NG GOBYERNO PARA SA 2024 BUDGET


 

PAG-PAPAUNLAD SA AGRIKULTURA AT TRANSPORTASYON, PANGUNAHING TARGET NG GOBYERNO PARA SA 2024 BUDGET

 

Target ngayon ng gobyerno na pagtutuunan ng 2024 budget ay ang pagpapalakas sa produksyon ng agrikultura at ang pagpapababa sa gastos sa transportasyon.

Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pahayag, kung saan inaasahan aniyang tutugunan ng panukalang P5.768-trillion 2024 national budget ang pagpapataas sa produksyon ng agricultural products tulad ng bigas at mais at mapababa gastos sa transportasyon.

Aniya pa, palalakasin ng Build Better More Program ang mataas na investment sa imprastraktura upang mapababa ang ng gastos sa transportasyon at logistics.

Kasama rin aniya sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa programa ng mga lokal na pamahalaan sa agrikultura, fisheries, digitalization, infrasctructure development, edukasyon, social protection, renewable energy projects at iba pa.

Samantala sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang 2023 budget ay idinesenyo upang lalo pang sumipa ang mataas nang growth trajectory ng bansa lalo ang target ng Pilipinas na makamit ang upper-middle-income status pagsapit ng 2025 at habang pinapanatili ang matatag na financial position. |Ni Teresa Iguid 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog