WESTERN VISAYAS PANGALAWA SA MAY PINAKAMARAMING GOLD MEDALS SA PALARONG PAMBANSA




 

PALARONG PAMBANSA UPDATE | WESTERN VISAYAS PANGALAWA SA MAY PINAKAMARAMING GOLD MEDALS SA PALARONG PAMBANSA


Nasa pangalawang puwesto ang delegasyon ng Western Visayas sa ginaganap na 2023 Palarong Pambansa sa Marikina City.

Sa pinakahuling medal tally na mula sa Department of Education (DepEd) dakong 8:11pm nitong August 2, nakakuha na ng 19 na Gold Medals ang Region 6 kung saan 9 ay mula sa elementary at 10 naman sa secondary.



Ito ay matapos ang sunod-sunod na panalo ng koponan sa larangan ng athletics, swimming, taekwondo at iba pang sports.

Isang gintong medalya lamang ang abante ng nangunguna sa tally na Region IV-A na may 20 gold medals.

Dahil dito kampante ang pamunuan ng DepEd 6 na makukuha nito ang Rank 1 sa Palarong Pambansa ngayong taon.

Matatandaang Rank 2 ang Western Visayas mula noong 2008 hanggang 2013 habang Rank 3 naman ito mula 2014 hanggang 2019 sa nasabing palaro. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog