FISH VENDOR NABIKTIMA IT PEKENG PERA

 


FISH VENDOR NABIKTIMA NG PEKENG PERA


Nalugi ng halos P1,000 pesos ang isang fish vendor matapos itong mabiktima ng pekeng pera sa Brgy. Mabilo, Kalibo nitong Miyerkules ng hapon.

Batay sa salaysay ng biktima sa Kalibo PNP, isang lalaki umano ang bumili ng bangus sa kanya na nagkakahalaga ng P68.00 at nagbayad isang libong pisong papel na nakatupi.

Hindi nito agad napansin na peke ang nasabing pera kaya nagawa pang suklian ng hindi na pinangalanang biktima ang suspek ng P932.00 pesos.

Huli na nang madiskubre na peke ang perang ibinayad sa kanya kapalit ng isang pirasong bangus dahilan na ipa-record sa pulis ang insidente.

Sinasabing hindi nagtanggal ng helmet ang lalaking suspek kaya hindi rin ito namukhaan ng biktima.

Muli namang nagpaalala ang otoridad sa publiko lalong-lalo na sa mga negosyante na maging mabusisi sa natatanggap na ng pera para maiwasanng maloko. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog