MANHUNT OPS LABAN SA ARMED GROUP NI TEVES, MAS PINAIGTING PA
NG PNP
Mas pinagting pa ng Philippine National Police (PNP) ang manhunt operations laban sa armadong grupo ni Cong. Arnolfo Teves Jr.
Ito ay matapos ang pagdeklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) kay Teves at sa kanyang armadong grupo bilang mga terorista.
Ayon sa ATC, ang pag-designate sa armadong grupo ni Teves bilang “Teves Terrorist Group” ay base sa “compelling evidence” at “factual incidents” na tumutukoy sa grupo bilang responsable sa mga insidente ng karahasan sa Negros Oriental.
Dagdag pa dito ang mga aktibidad umano ng Teves Terrorist Group ay lumikha ng “atmosphere of fear” na lubhang nakaapekto sa personal na pamumuhay at kalayaan ng mga residente sa rehiyon.
Samantala, maliban naman kay Teves idineklara ring mga terorista sina Pryde Henry Teves, Nigel Electona, Hannah Mae Sumero Oray, Marvin Miranda, Rogelio Antipolo, Rommel Pattaguan, Winrich Isturis, John Louie Ganyon, Dahniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., Tomasino Aledro at Joemarie Catubay. | Ni Teresa Iguid
0 Comments