WEATHER UPDATE| SOUTHWEST MONSOON, PATULOY NA IIRAL SA LUZON


 

Patuloy na iiral ang Southwest Monsoon na makakapekto sa Luzon, ngayong araw. 

Sa ulat ng PAGASA, ang buong Visayas at ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms. 

Habang ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat. 

Samantala katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.|TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog