KASO NG ‘SEX ABUSE’ NG KAPARIAN SA PORTUGAL, KINONENDA NI POPE FRANCIS

 


KASO NG ‘SEX ABUSE’ NG KAPARIAN SA PORTUGAL, KINONENDA NI POPE FRANCIS

Ni John Ronald Guarin

 

Nakipagkita si Pope Francis sa mga survivor ng sexual abuse gawa ng kaparian sa Portugal nitong Agosto 2, at pinuna niya ang mga pinuno ng Simbahang Katolika sa bansa dahil sa patuloy na pagbabalewala sa matagal na problema.

 

Sa unang araw na pagbisita ni Pope Francis sa Lisbon, Portugal para sa World Youth Day, dumalo ito sa isang simbahan para makipagkita sa mga obispo roon at pinag-usapan ang mga isyu ng simbahan tulad na ng ‘clergy sex abuse.’

 

Matapos nito, nakipagpulong ang Santo Papa sa Vatican Embassy, kasama ang 13 na mga biktima, at pinakinggan nito ang testimonya ng mga biktima,

 

Napag-alaman na base sa imbestigasyon ng mga ekspertong kinuha ng mga obispo, nasa 4,815 na mga lalaki at babae ang inabuso ng kaparian at iba pang mga tauhan sa simbahan mula pa noong 1950.

 

Dahil sa nasabing kaso ng pang-aabuso, inihayag ng Santo Papa na ito ang naging rason kung bakit nasisira ang kanilang komunidad at patuloy na umaalis sa simbahan ang mga mananampalataya.

 

Via Associated Press

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog