APPO, PINAWI ANG PANGAMBA NG PUBLIKO SA NAIULAT NA MATAAS NA KASO NG HUMAN TRAFFICKING SA AKLAN


 

APPO, PINAWI ANG PANGAMBA NG PUBLIKO SA NAIULAT NA MATAAS NA KASO NG HUMAN TRAFFICKING SA AKLAN

 

Pinawi ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang pangamba ng publiko hinggil sa inilabas na datos sa isinagawang Media Forum tungkol sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) na ang probinsya ng Aklan ang nangunguna sa lahat ng lalawigan at highly urbanized cities sa Western Visayas na may pinakamaraming Trafficking in Persons (TIP) na isinumite sa Prosecution Office mula 2004 hanggang Hunyo 2023. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay PSSGT. Jane Vega ng APPO, sinabi nito na posible ang human trafficking sa probinsya ng Aklan lalo na’t nandito ang Isla ng Boracay na isa mga pangunahing dinarayo para sa trabaho. 

Sa kabila naman nito ay ipinasiguro ni Vega na patuloy ang kanilang panig sa maigting na kampanya kontra sa human trafficking partikular na sa probinsya ng Aklan 

Wala rin aniyang dapat na ipanggamba ang publiko kung ang lahat ang may kooperasyon mula sa panig ng mga magulang na posibleng ma-rekrut ang mga anak sa maling trabaho. 

Dahil dito, hinimok naman ni Vega ang lahat na huwag matakot magsumbong sakali man na makaranas ng kahalintulad na kaso. 

Kaugnay dito, matatandaan na una na ring inihayag ni PCMS Lerlyn Roberto ng Kalibo MPS na ang mataas na numerong naitala sa probinsya ay hindi nangangahulugang mula sa Aklan ang mga naging biktima nito kundi posibleng dito lamang naharang, dinala o nag-report ang mga ito. 

Sa ngayon, ipinasiguro naman ni Vega na ang naturang datos na inilabas sa isang media forum ay subject for verification. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog