WEATHER UPDATE | KALAT-KALAT NA PAG-ULAN MARARANASAN SA ILANG BAHAGI NG LUZON

 


Magdudulot pa rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng Luzon.
 

Sa ulat ng PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan sa susunod na 24 na oras ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan. 

Nagbabala naman ang ahensya sa katamtaman at malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. 

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.|TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog