DOTR SECRETARY BAUTISTA, SINAKSIHAN ANG GROUNDBREAKING CEREMONIES NG DALAWANG PROYEKTO SA AKLAN

 

Photo Courtesy | IMAD


Sinaksihan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista kasama ang iba pang opisyal ng kaniyang opisina ang Groundbreaking Ceremonies ng dalawang proyekto sa probinsya, nitong Agosto 4. 

Ito ay ang Expansion of Active Transport Infrastructure Project at Kalibo Airport Resettlement Project. 

Mababatid na ang Expansion of Active Transport Infrastructure Project ay nakasentro sa mas magandang commuting options para sa publiko katulad ng paglalagay ng mga bike lanes sa ilang kalsada sa Kalibo. 

Habang ang Kalibo Airport Resettlement Project ay layong malagyan ng maayos at iwas-peligrong lugar ang mga pamilya na naapektuhan ng expansion ng Kalibo International Airport. 

Samantala, tiwala naman ang lokal na pamahalaan ng Aklan na ang naturang mga inisyatibo ay malaking kontribusyon para sa mas maganda at progresibong probinsya. |Ni Teresa Iguid

 


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog