61- ANYOS NA GURO SA ANTIQUE, PATAY MATAPOS NA MABANGGA NG TOYOTA FORTUNER HABANG NAGLALAKAD PAPUNTANG ESKWELAHAN

 

VIA| RBSFM CULASI

61-ANYOS NA GURO SA ANTIQUE, PATAY MATAPOS NA MABANGGA NG TOYOTA FORTUNER HABANG NAGLALAKAD PAPUNTANG ESKWELAHAN

 

Binawian ng buhay ang isang guro sa Brgy. Buhang, Hamtic, Antique matapos na aksidenteng mabangga ng Toyota Fortuner habang naglalakad papuntang eskwelahan, umaga nitong Agosto 4. 

Sa panayam ng Radyo Bandera Antique kay PSSg. Shawn Ardenia, imbestigador ng Hamtic MPS, kinilala ang naturang guro kay Deborah Tonogbanua, 61-anyos, habang ang nagmamaneho naman ng nakabangga na sasakyan ay kinilala na si Henrich Escanillas, residente ng Brgy. Sabang, Bugasong, Antique at mula sa panig ng Iloilo. 

Napag-alaman ng mga otoridad sa mga saksi na may kabilisan ang takbo ng nasabing sasakyan kung kaya’t tinangay ang biktima sa halos 25 metros ang layo matapos itong mabangga. 

Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang driver na si Escanillas na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. 

Samantala, wala naman umanong plano ang pamilya ni Tonogbanua na makipag-areglo sa nasabing driver. |Ni Teresa Iguid


 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog