Nanatili pa rin ang lakas ng Bagyong Goring kung saan posible itong mag-landfall sa isla ng Batanes sa araw ng Miyerkules, Agosto 30, habang nakatakda naman ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes, Agosto 31.
Base sa latest weather update ng PAGASA, as of 5:00 pm, namataan ang Bagyong Goring sa 260 km Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan na may lakas na 155 km/h at may bugso ng hangin na nasa 190 km/h.
Isinailalim na rin sa Tropical Cyclone Wind Signal No.1 ang: Batanes, northern and eastern portion of mainland Cagayan (Camalaniugan, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Peñablanca, Iguig, Amulung, Gattaran, Alcala) including Babuyan Islands and, eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan)
Sa kabila nito, ang Tropical Storm “Haikui” naman ay namataan sa 2,205 km Silangan ng Hilagang Luzon na may lakas na 65 km/h at may bugso ng hangin na nasa 80 km/h.
Umuusad ang Tropical
Storm “Haikui” sa kanluran at kanlurang-hilagang bahagi ng Philippine Sea at posibleng
maging bagyo bago pumasok sa PAR sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga. | JOHN RONALD GUARIN
(via DOST PAGASA)
0 Comments