BRONNY JAMES, MAYROONG CONGENITAL HEART DEFECt


Maaring sanhi ng congenital heart defect ang naranasang cardiac arrest ng teenager na anak ni LeBron James na si Bronny noong nakaraang buwan, base sa pahayag ng kaniyang kapamilya noong nakaraang Biyernes.

Si Bronny James, 18, ay bumagsak sa court habang nagsasanay kasama ang kanyang mga kasamahan sa basketball sa University of Southern California na Los Angeles.

Isinugod siya sa ospital ngunit nakalabas din makalipas ang ilang araw.

Pagkatapos ng komprehensibong paunang pagsusuri sa Cedars-Sinai Medical Center, natukoy na isang anatomically at functionally congenital heart defect ang sanhi ng naging cardiac arrest ni Bronny ngunit iklinaro rin na maaari pa itong magamot. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog